3-anyos nene utas sa sunog

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 3-anyos na nene makaraang maipit sa kanilang bahay na nasusunog kahapon ng umaga sa Barangay Mabulo, Naga City, Camarines Sur. Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Caszofphia Bermundo habang naisugod naman sa ospital  ang malubhang nasugatang si Justine Tan, 28. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagsimula ang sunog sa kisame ng bahay nina Victor Aspe at Marivic Tan  kung saan mabilis na kumalat sa buong kabahayan bandang alas-7:41 ng umaga. Nabigo namang mailigtas ang bata dahil nababalutan na ng  apoy kung saan naapula naman ang sunog bandang alas-7:54 ng umaga. Joy Cantos

Show comments