Trader itinumba sa furniture shop

STAR/File photo

CAVITE, Philippines - Bumulagta ang 37-anyos na trader matapos itong barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay San Francisco, bayan ng General Trias, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ian Pojas Rosenas ng Phase 3 Block 15 Lot 22 Villa Luisa Homes Subd. sa Barangay San Agustin 3 sa nasabing lungsod.

Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nasa loob ng pag-aaring furniture shop ang biktima nang lapitan at barilin sa ulo ng gunman.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments