2 patay sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa concrete barrier sa kahabaan ng highway sa Barangay Dikawa, bayan ng Piddig sa Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Jake Isidro, hepe ng Piddig PNP ang dalawa na sina Norlan Remorin at Billy Guerrero na idineklarang patay sa Piddig District Hospital. Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol si Remorin sa pagmamaneho kaya sumalpok sa concrete barrier sa gilid ng kalsada dakong alas-10 ng umaga.Nabatid na magmimiryenda sana ang dalawang walang helmet nang makasalubong si kamatayan.

Show comments