Kontratista pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 56-anyos na kontratista habang nagbabantay ng kanyang mga tauhan sa ginagawang road concreting project sa Barangay Lobong, bayan ng Bangued, Abra kamakalawa. Kinilala ni Abra PNP spokesperson P/Insp. Mary Grace Marron ang biktima na si Alejandro Baay Jr. asawa ni Chairwoman Elvira Baay ng Barangay Cosili East. ?Ayon kay Marron, binabantayan ng biktima ang pagbubuhos ng semento mula sa mixer nang biglang umalingawngaw ang mga putok ng baril kung saan bumulagta si Baay. ?Nagulantang ang kausap ng biktima na si Barangay Chairman Jimmy Bernardez sa bilis ng pangyayari.? Kaagad namang naisugod sa Seares Medical Hospital subalit namatay din si Baay dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib. Raymund Catindig

 

Show comments