Minero nalason sa minahan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 45-anyos na minero matapos makalanghap ng kemikal sa loob ng tunnel ng minahan sa Sitio Ligwa, Barangay Tawig sa bayan ng Paracela, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Julie Lancion ng Purok 4 sa Barangay Bayan Bayan, Labo, Camarines Norte. Base sa ulat ng pulisya, pumasok ang biktima sa tunnel upang kunin ang naiwang water pump at blower subalit sa hindi inaasahan ay nakalanghap ito ng lasong kemikal. Ilang oras bago nailabas ang katawan ng biktima mula sa loob ng minahan habang patuloy naman ang imbestigsasyon.

Show comments