7 Abu Sayyaf patay sa militar sa Sulu

MANILA, Philippines – Pitong miyembro pa ng Abu Sayyaf Group ang nasawi, habang 13 ang sugatan, kabilang ang isang sundalo sa isa na namang engkwentro nila ng militar sa Patikul, Sulu ngayong Biyernes.

Ayon kay Capt. Maria Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Westmincom), naabutan ng mga tauhan ng 1st Scout Ranger Battalion ang mga bandido habang tumatakas sa  Barangay Buhanginan.

Umakyat na sa 21 miyembro ng Abu Sayyaf ang nasasawi mula nang tugisin ng militar ang mga bandido nitong kamakalawa.

Samantala, sinabi naman ni Chester Ian Ramos, tagapagsalita ng Joint Task Group Zambasulta, na binabantayan din nila ang katubigan upang hindi sila matakasan.

 

Show comments