P1.5-M ari-arian naabo

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang warehouse ng Tony Ko Rice Mill sa General Santos Drive, Barangay Zone III, Koronadal City, South Cotabato kamaka­lawa ng hapon. Ayon kay Fire Officer 1 Ricky Villacura ng Bureau of Fire Protection - Korondal, bandang alas-6:30 ng hapon ay tinupok ng apoy ang bodega ng busal ng mais na inuupahan ng Kikono Corporation na pag-aari ng mga Taiwanese.Tumagal ng dalawang oras bago maapula ang apoy matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Tupi at Banga.Wala namang sugatan o namatay sa nasabing sunog habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments