Indian trader dinukot

CAVITE, Philippines – Isa na namang Indian trader ang dinukot ng mga armadong lalaki sa harapan ng bahay ng kanyang costumer sa pautangan kamakalawa ng hapon sa Barangay Balubad 2nd, bayan ng Silang, Cavite. Nagsagawa na ng operasyon sa biktima laban sa mga suspek na nangidnap sa biktimang ni Jasbir “Billy” Bhopal ng Windward Subdivision sa Dasmariñas City, Cavite. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, maniningil sana ng pautang ang biktima nang lapitan at kaladkarin ng dalawang di-kilalang lalaki patungo sa itim na SUV na walang plaka.

Show comments