Lola dedo, apo grabe sa killer bus

CAVITE, Philippines  - Patay 63-anyos na lola habang kritikal naman ang apo nito makaraang mahagip ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Sampalok 2 Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang lola na si Gregoria Cuyom habang nakikipaglaban kay kamatayan ang 20-anyos na si Angeli Joy Cuyom na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Pormal namang kakasuhan ang driver ng bus (DWV379) na si Christopher Bentoso, 42, ng Barangay Zone 1A sa nasabing lungsod. Ayon sa police report, si Angeli Joy ay nasagasaan pa ng kotse na may plakang MRX 868 na sinasabing hindi huminto.

Show comments