72-anyos lola, ginahasa

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang nasa impluwesya ng bawal na droga ang 32-anyos na adik matapos nitong halayin ang 72-anyos na lola sa liblib na bahagi ng Sitio Lamsini, Barangay Sinolon sa bayan ng T’boli, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Sa pahayag ni P/Chief Inspector Jose Marie Simangan, inimbitahan ng suspek na si Felizardo Roquero Bane-bane ang 72-anyos na biktima sa nasabing lugar kung saan isinagawa ang panghahalay. Nakatakas naman ang biktima kaya naipaabot sa mga awtoridad ang naganap na insidente. Sa follow-up operations, nasakote naman ang suspek kung saan itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng matanda.

Show comments