NPA kumander, pulis utas sa encounter
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Napaslang ang kumander ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang pulis habang isa naman ang nasugatan makaraang magsagupa ang tropa ng pulisya at komunistang grupo sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP ang napatay na kumander sa alyas lamang nitong Kumander Jaguar ng Guerilla Front (GF) 34 ng Samahang Yunit Pampropaganda.

Napatay din si PO2 Danny Suhayon ng Agusan del Sur Provincial Public Safety Company habang sugatan namang isinugod sa ospital si PO1 Rodnilo Gier Jr. ng 131st Regional Public Safety Company.

Bandang alas-3:15 ng hapon nang makasagupa ng elite units ng PNP ang mga armadong rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Union sa Barangay Binucayan.

Narekober kay Kumander Jaguar ang AK-47 assault rifle na may tatlong magazine, dalawang improvised explosive device at mga subersibong dokumento habang patuloy naman ang hot pursuit operations laban sa mga rebelde na sangkot sa pangha-harass ng mga sibilyan sa komunidad.

AGUSAN BARANGAY BINUCAYAN DANNY SUHAYON GUERILLA FRONT KUMANDER JAGUAR MARTIN GAMBA NEW PEOPLE REGIONAL PUBLIC SAFETY COMPANY RODNILO GIER JR. SAMAHANG YUNIT PAMPROPAGANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with