P15-M ari-arian naabo

BATANGAS, Philippines -  Tinatayang aabot sa P15 milyon halaga ng paninda at ari-arian ang naabo matapos ang sunog sa pamilihang bayan ng Lemery, Batangas noong Sabado ng hapon. Ayon kay Fire Inspector Noel Leica, nagsimula ang sunog sa bahagi ng meatshop matapos magkaroon ng electrical overåload. Halos kalahati ng palengke ang naabo kung saan aabot sa 90 puwesto ang nadamay sa sunog. Wala namang nasaktan sa sunog na umabot sa ikalimang alarma at nagtagal ng dalawang oras bago naapula.

 

Show comments