P.2M shabu nasamsam, tulak tiklo

CAMARINES NORTE, Philippines – Nalambat  ng Anti-Narcotics agent ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Bicol) ang isang 28 anyos na hinihinalang drug pusher kasunod ng pagkakasamsam ng P. 2 M shabu sa drug buy-bust  operation sa Brgy Bonot, Legaspi City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni PDEA Bicol Director III Archie A. Grande, ang suspek ay nakilalang si Roque Ebete, 28-anyos ng Purok 5, Bonot ng nasabing lungsod.

Dakong alas-4:45 ng hapon nang ikasa ang buy-bust sa suspek matapos na  magpanggap na poseur buyer ng shabu ang isang ahente ng PDEA. Hindi na nagawang makapalag ang suspek ng ito ay biglang arestuhin at nakuha sa kanyang pag iingat ang umaabot sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P200,000.

Show comments