14 tiklo sa illegal fishing

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang 14-mangingisda na lulan ng dalawang commercial fishing vessels makaraang masakote ng mga awtoridad sa aktong illegal fishing sa karagatang sakop ng bayan ng Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kabilang sa kinasuhan ay sina Rizaldy Riota, 50, kapitan ng M/B Triple J;  Marlo Cubio, 40, kapitan ng M/B Arnold at kapwa nakatira sa Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte; Antonio Altez, Orlando Manforte, Ariel Bituin, Norman Asis, Arnel Tenorio, Raymund Raviz, Alvin Vezera, Alan Bayaban, Aldrin Alto, Roderick Ebeza, Ninoy Asis, at si Ruel Nabong, mga residente ng Barangay Tamban, bayan ng Tinambac, Camarines Sur. Matagal ng inirereklamo ng maliliit na mangingisda ang mga suspek hanggang sa matiyempuhan ng mga awtoridad ang dalawang commercial vessels na sinasabing walang lisensya ang dalawang kapitan.

Show comments