Dalagita ni-rape ng lolo

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang nawasak ang pagkababae ng 17-anyos na dalagita matapos itong halayin ng 63-anyos na lolo sa taniman ng gulay sa bayan ng Manukan, Zamboanga del Norte kamakalawa. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpunta sa taniman ng saging ang biktima nang makasalubong ang suspek na si Gaudileo D. Villasis. Kaagad na kinaladkad ng suspek ang biktima patungo sa taniman ng saging hawak ang patalim at naisagawa ang maitim na balak. Nakatakas naman ang biktima kaya naipaabot sa kinauukulan ang naganap na krimen. Agad namang rumisponde ang Manukan PNP at inaresto ang suspek sa mismong bahay nito. Rhoderick Beñez

Show comments