16-anyos stude utas sa kuryente

QUEZON, Philippines - Patay ang 16-anyos na estudyante matapos itong  makuryente habang nagkukumpuni sa bubu­ngan ng kapitbahay sa Barangay Gomez, bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng hapon. Naisugod sa St. Jude Hospital subalit idineklarang patay si Arnold Atregenio, 4th year high school at nakatira sa nasabing barangay.  Ayon sa ulat, dakong alas-2:20 ng hapon kinukumpuni ng biktima katulong si Joel Bienvenido sa bubong ng  bahay ng isa  nilang kapitbahay. Aksidente umanong tumama sa biktima ang nakalawit na kable ng QUEZELCO kaya bigla itong nagkikisay sa lakas ng boltaheng pumasok sa kanyang katawan.Tony Sandoval

Show comments