Desperadong kelot, nagbigti

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa kabuhayan at pananalapi ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 29-anyos na lalaki matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ang nakabiting katawan ni Jerome Sales ng Block 1 Lot 25 Phase 3, Mesina Street sa Cita Italia Subdivision sa nasabing lungsod.

Nabatid na nagsimula umanong maging tahimik at balisa ang biktima noong nakalipas na linggo dahil sa problema sa pamilya at pera.? Bagama’t wala namang nakikitang foul play ay isasailalim sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima. Cristina Timbang

 

Show comments