Abu Sayyaf member, 7 iba pa pumuga sa Basilan jail

MANILA, Philippines – Walong preso, kabilang ang isang miyembro ng Abu Sayyaf ang pumuga sa provincial jail ng Basilan ngayong Martes ng umaga.

Ayon kay Superintendent Albert Larubis, hepe ng Isabela City police, bandang alas-8 ng umaga tumakas ang mga pugante sa Barangay Geras Sumagdang.

Inakyat umano ng mga pugante ang ang kisame ng selda bago tumalon sa bakod.

Hindi naman kumbinsido si Larubis sa kaya naman pinaiimbestigahan niya kung paano talaga nakatakas ang mga preso.

Suspetsa ng hepe ay may tumulong na sibilyan sa mga pugante.

“The jail personnel alleged that the detainees reportedly passed through the ceiling and escaped. Our police are conducting further investigation to determine if there was an outsider who might have assisted in the escape,” wika ni Larubis.

Kabilang sa mga pugante ang Abu Sayyaf member na si Said Usman at iba pang sina Akmad Arasani, Obet dela Cruz, Serham Akalun alias Bagio, Benhar Ibrahim, Oliver Tinguha, Mumar Jajuli; at Arajan Dala.

Naglunsad na ang mga awtoridad ng manhunt operation upang maibalik sa selda ang mga pugante.

Show comments