Sundalo inutas dahil sa allowance

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang hindi nagkasundo sa pinagtalunang allowance kaya binaril at napatay ang 28-anyos na sundalo ng kanyang kabaro sa Paquibato District, Davao City, Davao del Sur kamakalawa.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Private First Class John Ryan dela Cruz Astero ng Nueva Ecija.

Nasa kustodiya na ng 69th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Dalisay, Panabo City, ang suspek na si Private First Class Angel Quedding, 34, may-asawa, at nakatira sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng Paquibato PNP, sumiklab ang pagtatalo ng dalawa kaugnay sa kanilang subsistence allowance contribution at re-enlistment promotion pero inawat naman ng kanilang opisyal na si Sgt. Niño Ladan.

Gayon pa man, habang nasa duty ang suspek sa Purok Pag-asa, Barangay Paquibato Proper, bigla nitong binaril at napatay ang biktima.

Show comments