Tacloban Papal mass volunteer patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang volunteer para sa misa idinaos ni Pope Francis sa lalawigan ng Leyte ngayong Sabado.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nabagsak ng scaffolding ang hindi pinangalanang biktima dahil sa lakas ng hanging dulot ng bagyong “Amang.”

Dagdag ng ulat na mula ng Bicol ang biktima.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang volunteer ngunit hindi ito umabot ng buhay.

Binisita ng Santo Papa ang mga survivor ng bagyong “Yolanda” kanina.

Naging maiksi ang kanyang pagbisita dahil sa banta ni Amang.

Show comments