Lider ng NPA, 2 pa sumuko

MANILA, Philippines - Tatlong rebeldeng New People’s Army ang sumuko sa tropa ng militar sa  bayan ng Tapaz, Capiz, ayon sa opisyal kahapon. Kinilala ni Lt. Col. Jonathan Gayas, spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division ang tatlo na sina alyas Ka Alen, team leader squad 2, Baloy Platoon ng Committee Front ng Panay; alyas Ka Tommy, at alyas Ka Mica. Ayon kay Gayas, sumuko ang tatlo kamakalawa sa tropa ng Army’s 3rd Infantry “Hunter “ Battalion  at sa PNP sa bayan ng Tapaz. Ang tatlo ay nagsisuko matapos ang negosasyon nina Tapaz Mayor Rose Gardose at Chairman Remy Katipunan ng Barangay Aglinab. Sa tactical interrogation, sinabi ni Ka Alen na nagpasya silang sumuko matapos na mapagtantong mali ang ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.

Show comments