1 patay. 10 sugatan sa Capiz blast

MANILA, Philippines – Isa ang patay, habang 10 ang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa Capiz ngayong Lunes.

Ayon sa inisyal na ulat, ang mismong may hawak ng granada ang nasawi matapos itong sumabog sa kanya.

Papasabugin sana ng suspek ang granada sa loob ng isang barangay hall ng Lantangan sa bayan ng Ponteyedra.

Pawang mga estudyante ang nasugatan sa pagsabog.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung aksidente lamang ba ang pagsabog o sadya.

Show comments