Mag-asawang tulak pinabulagta

BULACAN, Philippines – Magkasabay na pinabulagta ang sinasabing mag-asawang tulak ng bawal na droga matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang sina Antonio Borac Jr., 23; at Adrenalyn Arcega, 30, kapwa nakatira sa Sitio Looban sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Silo, nakatayo sa labas ng kanilang bahay ang mag-asawa nang lapitan at ratratin ng tatlong di-kilalang gunmen.

Magkasabay na bumulagta ang dalawa kung saan namataan naman ng ilang kapitbahay ang tatlong kalalakihan na tumatakbo palayo sa crime scene.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing sangkot ang dalawa sa bentahan ng shabu sa kanilang lugar na pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa anggulong sinisilip sa pamamaslang.

Show comments