Mag-utol, pinsan lunod sa ilog

CAVITE, Philippines – Hindi na umabot ng Bagong Taon ang mag-utol na nene at pinsang babae matapos malunod sa Ilang Ilang River sa ilalim ng tulay sa Barangay Mag­diwang, bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang magkapatid na sina Apple Tabanan, 6; Queen Rain Tabanan, 7, Grade 1; at ang pinsang si Jasmine Tabanan, 9, pawang nakatira sa Barangay San Jose 1, bayan ng Noveleta, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P02 Ricky Cirilos, nagkayayaan ang mga biktima na maligo sa nasabing ilog kung saan napagawi ang mga ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya nalunod.

Nakahingi naman ng saklolo ang nakababatang utol ng dalawa subalit namatay din habang ginagamot sa Saint Martin Hospital.

Show comments