Jail warden ng Compostela Valley dinukot

MANILA, Philippines — Apat na armadong kalalakihan ang dumukot sa provincial jail warden ng Compostela Valley kagabi.

Ayon sa mga ulat, dinukot si Compostela Provincial Jail Jose Mervin Coquilla bandang 8:10 kagabi malapit sa kanyang bahay sa Barangay Sto.Niño, Panabo City.

Nagbabantay ng kanyan car wash business si Coquilla nang tutukan ng armadong kalalakihan bago isinakay sa isang truck.

Hinahanap na ng mga awtoridad kung saan itinago si Coquilla.

 

Show comments