Barangay chairman nilikida

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang beteranong barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Nuevo Trabajo, bayan ng San Luis, Agusan del Sur kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Insp. Rodel Durado, pauwi na ang biktimang si Chairman Nicasio Presioso na nagmomotorsiklo kaangkas ang dalawa nitong anak nang ratratin ng tandem. Nakatakbo naman ang dalawa nitong anak na hindi na pinaputukan ng gunmen habang narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng AK-47 rilfe at cal.45 pistol. Si Chairman Presioso ng Brgy. Balit ay nakadalo pa  sa Municipal Peace and Order Council meeting bago maganap ang pananambang.

Show comments