Agawan sa mana: Kuya nilikida ni bunso

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang nakatatandang kapatid ng kanyang bunsong utol matapos ang mainitang pagtatalo sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Ang biktimang ay nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun ay nakilalang si Dionedes Aligato, 35, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rosbet Aligato.

Sa ulat ng Zamboanga Sibugay PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa Barangay Kauswagan bandang alas-11 ng gabi.

Nabatid na nagsuntukan ang suspek at isa pa nitong nakababatang kapatid na si Felipe Aligato kaugnay sa alitan ng mga ito sa lupang mamanahin mula sa kanilang mga magulang kung saan ay pinayapa naman ang dalawa ng biktima.

Gayon pa man, makalipas ang ilang oras habang pauwi na ang biktima mula sa videoke house ay inabangan ito ng nakababatang kapatid saka pinagbabaril gamit ang homemade shotgun.

Show comments