Konsehal tiklo sa armas, bala

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Arestado ang isang Konsehal kaugnay sa mga baril na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpatay ang nasamsam sa kanyang lungga sa Brgy. Gana, Caba, La Union kamakalawa. Kinilala ni La Union Police Director Sr. Supt. Ramon Rafael ang nadakip na si Konsehal Noel Estalillia na panguna­hing suspek sa pamamaril at pagpatay sa kamag-anak nitong si Christopher Florague  na sinasabing itinumba nito noong nakalipas na Nobyembre 14 sa kanyang teritoryo. Sa isang raid na kasunod ng search warrant na ipinalabas ni San Carlos City RTC Judge Renato Pinlac. Nasamsam sa bahay ng konsehal ang isang kolorum na cal. 45 at mga bala gayundin ang mga magazine at bala ng M16 na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang ayon kay Rafael. Pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo ng Konsehal sa pamamaril kay Florague na nabilanggo at nakalaya na dahil sa pagpatay sa kanyang ka­patid may sampung taon na ang nakaraan.

Show comments