Kawani ng kooperatiba, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang  55-anyos na kawani ng Maguindanao Electric Cooperative makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa panulukan ng Sinsuat Avenue at RH 10 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga. Dalawang tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Arnulfo Gonzalbo ng Barangay Pansacala sa nabanggit na lungsod. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakatayo lamang ang biktima habang naghihintay ng masasakyan patungo ng trabaho nang lapitan at pagbabarilin ng tandem. Hindi inalintana ng gunmen ang mahigpit na seguridad kaugnay sa street dancing parade  ng Shariff Kabunsuan Festival.

 

Show comments