Sekyu sa unibersidad, itinumba

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Pinabulagta ang 50-anyos na security guard ng unibersidad makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Barangay H. Concepcion sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Luisito Liwanag ng Villa Fe Subdivision at guwardiya sa Nueva Ecija University of Science and Technology sa Sumacab Campus. Naganap ang pananambang noong Martes ng umaga habang nagmamaneho ang biktima ng Toyota Tamaraw (UPV-627), kasama ang kanyang misis at kaibigan. Kahit sugatan ay napaandar ng biktima ang kanyang sasakyan subalit sumalpok sa nakaparadang kotse at poste ng kuryente. Naisugod pa sa Nueva Ecija Doctors’ Hospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot.

 

Show comments