Trader inutas dahil sa pautang

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang pagpapautang na may malaking tubo ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 47-anyos na trader ng di-kilalang lalaki sa kanyang bahay sa bayan ng Bato, Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Marnel Intia, bago nadiskubre ang krimen, narinig pa ng kapatid ng biktimang si Maria Flororita ang malakas na sigaw nito. Agad namang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay ang kapatid kung saan nadatnan nilang duguan at patay na si Flororita. Nagtamo ng malalim na saksak sa tagiliran na lumagos sa baga ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments