Bagong laya, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang kalalaya lamang na drug convict sa kulungan matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City sa Pangasinan kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Joseph Mark Sibayan, nabatid na nakalaya noong nakaraang buwan ang biktimang si Reiv Castro  matapos ang anim na taong pagkabilanggo sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City sa kasong droga at pagnanakaw.? Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pauwi na ang biktima mula sa barangay hall nang harangin at pagbabarilin ng gunman saka tumakas sakay ng motorsiklo. ?Noong nakalipas na Undas ay nasangkot ang biktima sa rambulan kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa dati nitong kaso kaya isinagawa ang pamamaslang.

Show comments