Kawani ng KAELCO pisak sa poste

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pisak ang isang service crew member ng Kalinga Electric Cooperative (KAELCO) makaraang aksidenteng mabitawan nito ang binubuhat na electric steel post na bumagsak sa kanyang ulo sa Brgy. Dagupan West, Tabuk City, Kalinga kamaka­lawa. Kinilala ni Supt. Francisco Bulwayan, hepe ng Tabuk City Police ang nasawi na si Domingo Baggay. Sa salaysay ng mga kasamahan ng biktima na sina Jerry Banoy, 21 at Noel Alem Tomolnok, 31; binubuhat nilang tatlo ang mabigat na steel post upang itayo sa loob ng Ay-en Subdivision nang madapa si Baggay na nasa hulihan at bagsakan sa ulo. Namatay habang ginagamot sa Kalinga Provincial Hospital si Baggay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

Show comments