Kundoktor ng bus pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bulagta ang 45-an­yos na kundoktor habang sugatan naman ang inspector nito matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Barangay Magapit, bayan ng Lallo, Cagayan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Wilhelmino Zaldivar, hepe ng Lallo PNP nagkagulo ang mga pasahero nang ratratin ng gunmen ang konduktor na si Eddie Batacan habang sugatan naman ang inspector na si Arnold Manibog, kapwa kawani ng GV Florida Bus Liner. Nabatid na patungo ng Maynila ang bus mula sa Aparri nang utasin ng gunmen ang kunduktor na mag-stopover. Tumakas naman ang gunmen sakay ng motorsiklo matapos isagawa ang pamamaril.

Show comments