Tandem lasog sa truck

BULACAN, Philippines – Nalasog ang katawan ng magkaibigang lango sa alak matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na truck sa madilim na bahagi ng kalsada sa Barangay Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Adrian Soriano, 32, at Ronaldo Antonio Mata, 22, estudyante, at kapwa nakatira sa Bulakenya Street, Barangay Saog sa nabanggit na bayan. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck na si Jay Nagayo, 38, ng Brgy. Tabon, bayan ng San Isidro sa Nueva Ecija. Base sa ulat ni PO3 Joel Baoalan, pauwi na ang mga biktimang lulan ng motorsiklo mula sa pakikipag-inuman nang lagpasan nila ang sinusundang truck.Gayon pa man, nakasalubong ang Isuzu truck (XDT-983) ni Nagayo kaya kapwa nalasog ang katawan.

 

Show comments