2 Babae tiklo sa P1.5 M drug bust

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babae  na nakumpiskahan ng P1.5 M halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Triangulo, Naga City, Camarines Norte kahapon ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Gemma Brojal ng bayan ng Tinambac at Aileen Piamonte ng bayan ng Daet, Camarines Norte.

Ayon sa mga opisyal ng PDEA, kabuuang 300 gramo ng shabu ang nakuha ng kanilang mga tauhan  mula sa  naturang mga suspek na nagkakahalaga ng  P1.5 milyon bago nasakote sa lugar dakong alas-11 ng umaga.

Nabatid na ang mga suspek ay may isang taon ng isinasailalim sa surveillance operations bago nasakote ng mga ope­ratiba.

Show comments