5 kawatan arestado

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng lima-katao na sinasabing miyembro ng notoryus na Akyat-Bahay Gang makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay San Vicente, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Crisanto De Guzman, lider ng gang; Gary Concepcion, at ang tatlong menor-de-edad na pawang nakatira sa Barangay San Vicente sa nabanggit na bayan.  Sa police report na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Olivia Escubio-Samar ng Regional Trial Court Branch 79 sa kasong robbery. Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay isinasangkot sa panloloob sa bahay ng negosyanteng si Priscilla Chu sa Brgy. San Vicente noong gabi ng Mayo 24, 2012.

Show comments