^

Dump truck hulog sa bangin: 2 patay!

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang katao ang patay at tatlo ang kritikal kabilang ang isang 72-anyos na barangay chairman matapos mawalan ng preno ang minamaneho nitong mini dump truck at mahulog sa bangin sa harap ng eskwelahan sa Brgy. Allaguia, Pinukpuk, Kalinga kamakalawa.?

Sinabi ni Case investigator SPO1 Amado Balinggao, nagdedeliber ng graba at mga lumber products si Chairman Emilio Banatao ng nasabing lugar sa Allaguia Elementary School na ga­gamitin sa isang kons­truksyon nang mawalan ng preno ang kanyang truck (UMD 563) sa pababang bahagi ng bulubunduking kalsada.?

Sa bigat umano ng karga ng truck, rumagasa ito pababa  bago nahulog sa gilid ng kalsada at tumaob mismo sa harapan ng paaralan na kanilang pagdadalhan ng kargada.?

Patay agad ang mga pahinante ni chairman na kanya ring mga kaanak na sina Vicente Banatao, 45 at Camilo Banatao, 63.

Naisugod at nilalapatan naman ng lunas sina chairman at dalawa pang kaanak na sina Mark Banatao, 25 at Reynold Banatao, 27 sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City. Masuwerte na walang nadamay na mga bata na noon ay nasa loob ng paaralan nang maganap ang aksidente dakong alas-2:00 ng hapon.

ALLAGUIA ELEMENTARY SCHOOL AMADO BALINGGAO CAMILO BANATAO CHAIRMAN EMILIO BANATAO KALINGA PROVINCIAL HOSPITAL MARK BANATAO REYNOLD BANATAO TABUK CITY VICENTE BANATAO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with