_ngayon
^

Karnaper timbog sa habulan

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2014 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Tiklo ang isang 37-anyos na lalaki at umano’y notoryus na karnaper sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan Bulacan kahapon.

Nahaharap sa kasong carnapping ang suspek na si Jerson Canlas 37, residente ng Brgy. San Pedro Cutud sa San Fernando City, Pampanga matapos na nakawin umano nito ang motorsiklong Yamaha MIO (2117-XA) na pag-aari ng biktimang si Chester Valenzuela, 28 ng Brgy. Look, Malolos City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:35 ng hapon ng ipinarada ng biktima ang motorsiklo sa bisinidad ng isang shopping mall sa Brgy. Burol 1st, Balagtas upang sunduin ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa naturang establisimyento nang biglang lumapit ang suspek at saka tinangay ang motorsiklo gamit ang picklock patungo sa direksiyon ng Pulilan.

Agad naman na inalarma ang iba’t ibang himpilan ng pulisya at nagsagawa ng dragnet operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

BALAGTAS BRGY BUROL CHESTER VALENZUELA CRISTO JERSON CANLAS MALOLOS CITY PULILAN BULACAN SAN FERNANDO CITY SAN PEDRO CUTUD
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with