Pulis: Mga pekeng pari kakalat sa mga sementeryo

MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang paring pulis ngayong Biyernes laban sa mga pekeng pari na maaaring kumalat ngayong Undas sa mga sementeryo.

Pinayuhan ni Reverend Father Lucio Rosaroso, acting chief directorial staff ng Philippine National Police Chaplain Service, ang mga taong pupunta sa sementeryo na huwag pansinin ang mga "pari" na manghihingi ng pera kapalit ng pagdarasal para sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.

"Kung hindi ninyo kilala yung sinasabing pari ay tumanggi na lang," ani Rosaroso.

Aniya, walang matinong pari ang manghihingi ng pera kapalit ng pagdarasal dahil responsibilidad ito ng mga taong katulad niya.

"Tulad ko, pupunta ako sa sementeryo para ipagdasal iyong mga mahal ko sa buhay at iyong mga kaibigan ko na may patay doon," ani Rosaroso.

Show comments