Bagitong sundalo itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang bagitong sundalo matapos itong pagbabarilin ng motorcycle thieves sa kahabaan ng highway sa Barangay Ginatilan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng umaga. Sa report ng Pikit PNP, napuruhan sa ulo ang biktimang si Pfc. Prenel Obeso ng Alpha Coy, 7th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Phil. Army. Tinangay ng gunmen ang motorsiklo ng biktima kung saan sinasabing mga miyembro ng Agaw-Motorsiklo Gang ang nasa likod ng pamamaslang.

Show comments