Guro iginapos, pinagnakawan

CAVITE, Philippines – Masklap na kapalaran ang inabot ng 24-anyos na guro na sinasabing natangayan ng hindi nabatid na halaga ng pera at personal na gamit ng mga di-kilalang lalaki ay iginapos at inabandona sa madamong bahagi ng Barangay Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite kamakalawa. Bandang alas-12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktimang si Kim Jasper Hernandez ng Mutual Homes Subd. sa Barangay  Putatan, Muntinlupa City.  Naganap ang krimen sa bisinidad ng palengke sa Barangay Alabang, Muntinlupa City kung saan isinakay ang biktima sa motorsiklo bago dinala sa nasabing lungsod. Iginapos ang mga kamay at paa ng biktima bago nilimas ang kanyang mga alahas, pitaka na naglalaman ng cash saka inabandona sa madamong bahagi ng barangay.

 

Show comments