Obrero nakuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero matapos itong aksidenteng makuryente habang naliligo sa isang construction site sa Rio Hondo, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Albert Antisipasado, 33 anyos, may asawa, residente ng Curuan Poblacion, Zamboanga City.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-5:35 ng umaga ng mangyari ang insidente sa construction site malapit sa Zamboanga State College of Marine Science and Technology School sa Rio Hondo.

Kasalukuyang naliligo ang biktima at isa nitong kasamahang obrero nang may dumaan kaya tumayo ito pero pagtayo ay aksidenteng nasanggi ang isang nakalaylay na live wire na dumikit sa kaniyang katawan.

Nagkikisay ang biktima na agad nasawi sa nasa­bing insidente. Joy Cantos

Show comments