_ngayon
^

Probinsiya

3 patay sa kotseng sumalpok sa puno

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao ang sinalubong ni kamatayan habang tatlo naman ang nasugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa punungkahoy  sa gilid ng highway sa Barangay Banilad, bayan ng Nasugbu, Batangas noong Huwebes ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ay sina Bernardo Delos Santos, Arjay Delos Santos at si Carla O. Pamplona, mga nakatira sa Barangay Real, Calamba City, Laguna.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Apacible Memorial District Hospital at Gabes Medical Center ang mga sugatang sina Jubelle Delos Santos, Hazel Delos Santos at si Roy Villalobos.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, patu­ngong bayan ng Calaca sa Batangas mula sa Tagaytay City, Cavite ang mga biktimang sakay ng Toyota Corolla (UPC-214) nang makasalubong ang trahedya bandang alauna y medya ng madaling araw.

Pinaniniwalaang nakaidlip ang driver na si Villalobos habang nagmamaneho kaya nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sumalpok sa puno ng mangga.

Tumilapon sina Bernardo, Arjay at Carla sa windshield mula sa pagkakaupo sa likurang bahagi ng kotse. Dagdag ulat ni Jy Cantos

APACIBLE MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL ARJAY DELOS SANTOS BARANGAY BANILAD BARANGAY REAL BATANGAS BERNARDO DELOS SANTOS CALAMBA CITY CARLA O GABES MEDICAL CENTER HAZEL DELOS SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with