2 magsasaka utas sa pamamaril

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang dalawang magsasaka matapos na pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa Masbate at Camarines Sur kamakalawa. Si Oscar Cardengo ay pinagbabaril ng mga di-kilalang lalaki habang naglalakad pauwi sa Barangay San Andres, ba­yan ng Balud, Masbate kamakalawa ng hapon. Samantala, si Rudy Gacosta ay niratrat ng dalawang di-kilalang lalaki sa kanyang bahay sa Barangay San Rafael, bayan ng Ragay, Camarines Sur. Pinaniniwalaang napagkamalang tiktik ng militar at pulisya ang dalawa kaya pinatahimik ng mga rebelde.

Show comments