Rape-slay suspek sa Cotabato sumuko

MANILA, Philippines – Kusang sumuko kahaoang isang magsasaka at umaming siya ang nasa likod ng panghahalay at pagpatay sa isang 13-anyos na dalagita sa bayan ng Magpet.

Nakilala ang suspek na si Nonieto Narceso Puno na kusang sumuko tatlong araw matapos ang insidente.

Natagpuan ang bangkay ng biktima nitong Lunes sa isang sagingan, isang araw matapos idulog sa mga awtoridad na nawawala ang dalagita.

Nakumpirma sa medico-legal na inabuso ang biktima, ayon sa mga pulis.

Nagtago pa sa bayan ng Mati sa Davao Oriental si Puno, ngunit kalaunan ay nakumbinsi ng kanyang mga kamag-anak na sumuko.

Sinundo ng mga tauhan ng Magpet municipal police si Puno na isinalaysay ang mga nangyari.

Aniya, lasing siya at sabog sa ilegal na droga nang mangyari ang panghahalay at pagpatay.

Show comments