3 sekyu niratrat sa ospital

NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong sekyu ang nasugatan makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang nagbabantay sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay Cotabato City PNP station 2 commander P/Senior Insp. Reynaldo Delantin, naganap ang pamamaril bandang alas-8 ng gabi kung saan abala sa pagbabantay ang mga biktimang sina Amerodin Sumandal,Tasil Mohammad, at si Jahab Abdullah sa main entrance ng CRMC. Nakatakbo ang dalawang security guard papalayo sa main gate habang natangayan naman ng M-16 baby Armalite rifle ang isa pang sekyu na nasa  outpost.Tumakas ang gunmen bitbit ang kinulimbat nab aril lulan ng motorsiklo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments