Saleslady pinilahan sa harap ng bf

MANILA, Philippines - Masaklap  ang sinapit ng 21-anyos na saleslady na pinilahan ng tatlong bangag sa droga sa harapan ng kaniyang boyfriend matapos holdapin sa Barangay Pitalo, bayan ng San Fernando, Cebu, noong Lunes ng gabi.

Sa  salaysay  ng  magka­sin­tahan sa pulisya, naganap ang insidente noong Linggo ng madaling araw (Sept. 21) kung saan nag­lalakad ang magkasintahan nang harangin at holdapin ng tatlong bangag na lalaki.

Agad kinulimbat  ng tatlo ang mga cellphone at pera ng magkasintahan saka tinanong kung magsyota ang dalawa.

Nang tumango ang da­lawa ay kinaladkad sila sa masukal na bahagi saka pinagse-sex sila ng mga suspek para panoorin ng live at  i-video sa cellphone pero  tumanggi si Carlo.

Dahil dito ay nainis ang mga suspek kaya hinubaran ang babae saka pinilahan sa harap ng kaniyang boyfriend habang tinututukan ng ba­lisong at pinipilit manood sa pambababoy sa nasabing babae.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Sarah Jean Recla, hepe ng San Fernando PNP, nasakote sa follow-up operation at kinasuhan ang dalawang suspek na sina Kevin Cabrera, 23; at Arnel Ladica, 29, mga kilalang adik sa bawal na droga.

Patuloy namang pinag­hahanap ang isa pang suspek na nakatakas sa dragnet operations ng pulisya.

Show comments