Barangay Tanod, itinumba

MAGUINDANAO, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 47-anyos na barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng kasamahang tanod sa Washington Bridge sa Jose Lim Sr. Street, Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng hapon. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Salik Kasim Pandig ng Barangay Poblacion 6 habang pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Ronnie ng Mother Barangay Bagua. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal.45 pistol.

 

Show comments