14-anyos binully ng classmate, nagbigti

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang pambu-bully ng classmate kaya nagdesisyon ang 14-anyos na estudyante na magbigti sa bahay ng kanyang tiyahin sa Barangay Poblacion, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, Kinilala ang biktima na si Jerson Callo Jr., Grade 8 student sa Tungawan National High School.

Nadiskubre ang insidente makaraang dumating sa bahay ang tiyahing si Gina Callo Dimasuhid mula sa bayan ng Remedios Trinidad.

Nabatid na ang biktima ay nakikituloy lamang sa tahanan ng tiyahin nito.

Pinaniniwalaan namang naganap ang pagpapakamatay ng biktima sa pagitan ng alas-6 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang suicide note ng biktima na nagsasaad na “Mahal na mahal ko kayo, nagpakamatay ako dahil sa aking classmate na inaaway ako palagi, love ko kayo lalo na si lola, I love you mommy, dad, I love you so much”.

Bago maganap ang insidente, naikuwento ng biktima sa isang kaibigan na masama ang loob nito sa kaklase na palaging tampulan ng tukso at pambu-bully.

Isinailalim naman sa post mortem examination ang bangkay ng biktima upang walang agam-agam na may naganap na foul play.

Show comments